Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 86

Mga Awit 86:6-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo.
7Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.
8Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo.
9Lahat ng bansa na iyong ginawa ay pupunta at yuyuko sa iyo, Panginoon. Pararangalan nila ang iyong pangalan.
10Dahil ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay, ikaw lamang ang Diyos.
11Turuan mo ako ng iyong mga pamamaraan, Yahweh. At ako ay lalakad sa iyong katotohanan. Pag-isahin mo ang aking puso sa pagsamba sa iyo.
12Panginoon aking Diyos, pupurihin kita ng buong puso, luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman.
13Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol.
14O Diyos, ang mayayabang ay naghihimagsik laban sa akin. Ang isang pangkat ng marahas na mga lalaki ay nagbabanta sa aking buhay. Wala silang pagsasaalang-alang para sa iyo.

Read Mga Awit 86Mga Awit 86
Compare Mga Awit 86:6-14Mga Awit 86:6-14