Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 75

Mga Awit 75:2-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Sa takdang panahon, hahatol ako ng patas.
3Kahit na ang mundo at lahat ng mga naninirahan ay nanginginig sa takot, papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig. Selah
4Sinabi ko sa mga arogante, “Huwag kayong maging mayabang,” at sa masasama, “Huwag kayong magtiwala sa tagumpay.
5Huwag magpakasiguro na magtatagumpay kayo; huwag kayong taas-noong magsalita.
6Hindi dumarating ang tagumpay mula sa silangan, mula sa kanluran, o mula sa ilang.
7Pero ang Diyos ang hukom; binababa niya ang isa at itinataas ang iba.
8Dahil hawak ni Yahweh ang kopa na may bumubulang alak sa kaniyang kamay, na may halong mga pampalasa, at ibinubuhos ito. Tunay nga, ang lahat ng masasama sa daigdig ay iinumin ito hanggang sa huling patak.
9Pero patuloy kong sasabihin kung ano ang iyong nagawa; aawit ako ng papuri sa Diyos ni Jacob.
10Sinasabi niya, “Aking puputulin ang lahat ng mga sungay ng masasama, pero ang mga sungay ng matutuwid ay itataas.”

Read Mga Awit 75Mga Awit 75
Compare Mga Awit 75:2-10Mga Awit 75:2-10