Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 74

Mga Awit 74:7-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Sinunog nila ang iyong santuwaryo; nilapastangan nila kung saan ka naninirahan, at giniba ito.
8Sinabi nila sa kanilang mga puso, “Wawasakin namin silang lahat. “Sinunog nila ang lahat ng iyong mga tagpuang lugar sa lupain.
9Hindi na kami nakakikita ng anumang mga himala mula sa Diyos; wala ng propeta, at walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung gaano ito tatagal.
10O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?
11Bakit mo pinipigilan ang iyong kamay, ang iyong kanang kamay? Gamitin mo ang iyong kanang kamay mula sa iyong kasuotan at wasakin sila.
12Gayumpaman, ang Diyos ang aking naging hari mula pa noong sinaunang panahon, na nagdadala ng kaligtasan sa daigdig.
13Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas; dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat.
14Dinurog mo ang mga ulo ng leviatan; pinakain mo siya sa mga naninirahan sa ilang.
15Binuksan mo ang mga bukal at batis; tinuyo mo ang mga dumadaloy na ilog.
16Ang araw ay sa iyo, at ang gabi ay sa iyo rin; nilagay mo ang araw at buwan.
17Inilagay mo ang lahat ng mga hangganan sa daigdig; ginawa mo ang tag-araw at taglamig.

Read Mga Awit 74Mga Awit 74
Compare Mga Awit 74:7-17Mga Awit 74:7-17