18Alalahanin mo, Yahweh, kung paano ka binato ng kaaway ng mga panlalait, at nilapastangan ng mga hangal ang iyong pangalan.
19Huwag mong ibigay ang buhay ng iyong kalapati sa isang mabangis na hayop. Huwag mong tuluyang kalimutan ang buhay ng iyong inaping bayan magpakailanman.
20Alalahanin mo ang iyong tipan, dahil ang madidilim na mga rehiyon sa daigdig ay puno ng mga lugar ng karahasan.