10O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?
11Bakit mo pinipigilan ang iyong kamay, ang iyong kanang kamay? Gamitin mo ang iyong kanang kamay mula sa iyong kasuotan at wasakin sila.
12Gayumpaman, ang Diyos ang aking naging hari mula pa noong sinaunang panahon, na nagdadala ng kaligtasan sa daigdig.
13Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas; dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat.
14Dinurog mo ang mga ulo ng leviatan; pinakain mo siya sa mga naninirahan sa ilang.
15Binuksan mo ang mga bukal at batis; tinuyo mo ang mga dumadaloy na ilog.