Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 72

Mga Awit 72:12-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong.
13May awa siya sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang buhay ng mga nangangailangan.
14Tinutubos niya ang mga buhay nila mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang mga dugo ay mahalaga sa kaniyang paningin.
15Mabuhay ang hari! Ipagkaloob nawa sa kaniya ang mga ginto ng Sheba. Manalangin nawa ang mga tao sa kaniya; pagpalain siya nawa ng Diyos buong araw.
16Magkaroon nawa ng kasaganahan ng binhi sa tuktok ng mga kabundukan ng mundo; kumampay nawa sa hangin ang kanilang mga ani tulad ng mga puno sa Lebanon, at ang mga tao sa mga lungsod ay dumami gaya ng mga damo sa lupa.
17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
18Pagpalain nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, siya lamang na gumagawa ng mga kahanga-hangang mga bagay.
19Pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailanaman, at mapuno nawa ang mundo ng kaniyang kaluwalhatian. Amen at Amen.
20Ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse, ay tapos na. Ikatlong Libro

Read Mga Awit 72Mga Awit 72
Compare Mga Awit 72:12-20Mga Awit 72:12-20