Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 71

Mga Awit 71:19-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Maging ang iyong katuwiran, O Diyos, ay napakataas; ikaw na gumawa ng mga dakilang bagay, O Diyos, sino ang katulad mo?
20Ikaw na nagpakita sa amin ng mga matitinding suliranin ay bubuhay sa amin at mag-aangat sa amin mula sa kailaliman ng mundo.
21Dagdagan mo nawa ang aking karangalan; bumalik kang muli at aliwin ako.
22Magpapasalamat din ako sa iyo gamit ang alpa para sa iyong pagiging mapagkakatiwalaan, aking Diyos; aawit ako sa iyo ng mga papuri gamit ang alpa, nag-iisang Banal na Diyos ng Israel.
23Sisigaw sa galak ang aking mga labi habang inaawit ko ang mga papuri sa iyo, maging ako na iyong tinubos.
24Sasabihin rin ng aking dila ang tungkol sa iyong katuwiran buong araw; dahil inilagay sila sa kahihiyan at nilito, sila na hinahangad ang aking kapahamakan.

Read Mga Awit 71Mga Awit 71
Compare Mga Awit 71:19-24Mga Awit 71:19-24