Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 69

Mga Awit 69:7-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Para sa iyong kapakanan, tinanggap ko ang panlalait; kahihiyan ang bumalot sa aking mukha.
8Naging dayuhan ako sa aking mga kapatid, dayuhan sa mga anak ng aking ina.
9Dahil nilamon ako ng kasigasigan sa iyong tahanan, at ang mga lait ng mga nanlalait sa iyo ay bumagsak sa akin.
10Noong umiyak ako at hindi kumain, hinamak nila ako.
11Noong ginawa kong kasuotan ang sako, naging paksa ako ng kawikaan sa kanila.
12Pinag-uusapan ako ng mga nakaupo sa tarangkahan ng lungsod; ako ang awit ng mga manginginom.
13Pero para sa akin, sa iyo ang aking panalangin, Yahweh, sa panahon na tatanggap ka; sagutin mo ako sa pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong kaligtasan.
14Hilahin mo ako mula sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; hayaan mo akong malayo mula sa napopoot sa akin at sagipin mo mula sa malalim na katubigan.
15Huwag mong hayaang tabunan ako ng baha, ni hayaang lamunin ako ng kalaliman. Huwag mong hayaang isara ng hukay ang bibig nito sa akin.
16Sagutin mo ako Yahweh, dahil mabuti ang iyong katapatan sa tipan; dahil labis ang iyong kahabagan sa akin, humarap ka sa akin.
17Huwag mong itago ang iyong mukha sa iyong mga lingkod, dahil ako ay nasa kalungkutan; sagutin mo ako agad.
18Lumapit ka sa akin at tubusin ako. Dahil sa aking mga kaaway, iligtas mo ako.
19Alam mo ang aking paghihirap, kahihiyan at kasiraang-puri; nasa harap mo ang lahat ng aking mga kalaban.
20Winasak ng pagtutuwid ang aking puso; punong-puno ako ng kabigatan; naghahanap ako ng sinumang maaawa sa akin, pero wala ni isa man. Naghahanap ako ng mga mag-aaliw, pero wala akong nakita.
21Binigyan nila ako ng lason para kainin ko; sa aking pagka-uhaw binigyan nila ako ng suka para inumin.
22Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas sila, hayaan mong maging patibong ito.
23Hayaan mong magdilim ang kanilang mga mata para hindi sila makakita; lagi mong yugyugin ang mga baywang nila.
24Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan sila ng bagsik ng iyong galit.
25Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
26Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
27Isakdal mo sila dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.
28Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
29Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.

Read Mga Awit 69Mga Awit 69
Compare Mga Awit 69:7-29Mga Awit 69:7-29