Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 65

Mga Awit 65:2-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Ikaw na dumidinig ng panalangin, sa iyo pupunta ang lahat ng laman.
3Nananaig ang kasamaan sa amin; para sa aming mga kasalanan, patatawarin mo sila.
4Mapalad ang taong pinipili mo para mapalapit sa iyo para manahan siya sa iyong bakuran. Masisiyahan kami sa kabutihan ng iyong tahanan, ang iyong banal na templo.
5Sasagutin mo kami sa iyong katuwiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga kamangha-manghang mga bagay, Diyos ng aming kaligtasan; ikaw na siyang pinagtitiwalaan ng lahat sa dulo ng daigdig at sa malalayong ibayo ng dagat.
6Dahil ikaw ang siyang nagpatatag ng mga kabundukan, ikaw na binabalot ng kalakasan.
7Ikaw ang nagpapatahimik sa umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon, at kaguluhan ng mga tao.
8Sila na nabubuhay sa dulong bahagi ng mundo ay matatakot sa katibayan ng iyong mga gawa; pinapasaya mo ang silangan at kanluran.

Read Mga Awit 65Mga Awit 65
Compare Mga Awit 65:2-8Mga Awit 65:2-8