Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 55

Mga Awit 55:6-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
7Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. Selah
8Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''.
9Wasakin mo sila, Panginoon, at guluhin ang kanilang mga wika, dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.
10Lumiligid sila araw at gabi sa ibabaw ng kanyang pader, kasalanan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya.
11Kasamaan ang nasa gitna nito; ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis.
12Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya.
13Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan.
14Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.
15Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan sila namumuhay.
16Para sa akin, tatawag ako sa Diyos, at ililigtas ako ni Yahweh.
17Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig.

Read Mga Awit 55Mga Awit 55
Compare Mga Awit 55:6-17Mga Awit 55:6-17