Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 55

Mga Awit 55:4-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan.
5Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin.
6Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
7Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. Selah
8Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''.
9Wasakin mo sila, Panginoon, at guluhin ang kanilang mga wika, dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.
10Lumiligid sila araw at gabi sa ibabaw ng kanyang pader, kasalanan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya.
11Kasamaan ang nasa gitna nito; ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis.
12Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya.
13Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan.
14Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.

Read Mga Awit 55Mga Awit 55
Compare Mga Awit 55:4-14Mga Awit 55:4-14