Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 48

Mga Awit 48:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Dakila si Yahweh at lubos na dakila para purihin, sa lungsod ng ating Diyos sa kaniyang bundok na banal.
2Ang pagiging matayog nito ay kay gandang pagmasdan, ang kagalakan ng buong mundo, ay ang Bundok ng Sion, sa mga dako ng hilaga, ang lungsod ng Haring dakila.
3Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan.
4Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; sila ay dumaan nang magkakasama.
5Nakita nila ito, pagkatapos sila ay namangha, sila ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo.
6Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.

Read Mga Awit 48Mga Awit 48
Compare Mga Awit 48:1-6Mga Awit 48:1-6