Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 45

Mga Awit 45:8-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Ang lahat ng iyong kasuotan ay amoy mira, mga sabila at kasia; mula sa mga palasyong gawa sa garing pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas.
9Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga kagalang-galang na kababaihan; sa iyong kanang kamay nakatayo ang reyna na nadaramtan ng ginto ng Ophir.
10Makinig ka, anak na babae, isaalang-alang mo at ikiling ang iyong pandinig; kalimutan mo ang iyong sariling bayan at ang tahanan ng iyong ama.
11Sa ganitong paraan nanaisin ng hari ang iyong kagandahan; siya ang iyong panginoon; igalang mo siya.
12Ang anak na babae ng Tiro ay pupunta na may dalang isang handog; ang mga mayayaman kasama ng mga tao ay magmamakaawa ng iyong tulong.
13Ang maharlika na anak na babae sa palasyo ay lahat maluwalhati; ang kaniyang kasuotan ay ginto ang palamuti.
14Dadalhin siya sa hari na may binurdahang damit, ang mga birhen, ang mga kasama niyang sumusunod sa kanya ay dadalhin sa iyo.

Read Mga Awit 45Mga Awit 45
Compare Mga Awit 45:8-14Mga Awit 45:8-14