Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 45

Mga Awit 45:1-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nag-uumapaw ang aking puso sa mabuting paksa; babasahin ko nang malakas ang mga salita na aking isinulat tungkol sa hari; ang aking dila ang panulat ng isang manunulat na handa.
2Ikaw ay mas makisig kaysa mga anak ng tao; biyaya ay binuhos sa iyong mga labi; kaya alam namin na pinagpala ka ng Diyos magpakailanman.
3Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.
4Sa iyong kamaharlikahan matagumpay kang sumakay dahil sa pagiging mapagkakatiwalaan, kapakumbabaan at katuwiran; ituturo ng iyong kanang kamay ang mga katakot-takot na mga bagay.
5Ang iyong mga palaso ay matalim; ang mga tao ay babagsak sa iyong ilalim; ang iyong mga palaso ay nasa puso ng mga kalaban ng hari.
6Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanpaman; ang setro ng katarungan ay setro ng iyong kaharian.
7Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
8Ang lahat ng iyong kasuotan ay amoy mira, mga sabila at kasia; mula sa mga palasyong gawa sa garing pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas.
9Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga kagalang-galang na kababaihan; sa iyong kanang kamay nakatayo ang reyna na nadaramtan ng ginto ng Ophir.
10Makinig ka, anak na babae, isaalang-alang mo at ikiling ang iyong pandinig; kalimutan mo ang iyong sariling bayan at ang tahanan ng iyong ama.
11Sa ganitong paraan nanaisin ng hari ang iyong kagandahan; siya ang iyong panginoon; igalang mo siya.
12Ang anak na babae ng Tiro ay pupunta na may dalang isang handog; ang mga mayayaman kasama ng mga tao ay magmamakaawa ng iyong tulong.
13Ang maharlika na anak na babae sa palasyo ay lahat maluwalhati; ang kaniyang kasuotan ay ginto ang palamuti.

Read Mga Awit 45Mga Awit 45
Compare Mga Awit 45:1-13Mga Awit 45:1-13