Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 42

Mga Awit 42:5-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa, at bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos, dahil pupurihin ko siya sa tulong ng kaniyang presensiya.
6Diyos ko, ang aking kaluluwa ay yumuyukod sa aking kalooban, kaya inaalala kita mula sa lupain ng Jordan, mula sa tatlong tuktok ng Bundok ng Hermon, at mula sa burol ng Mizar.
7Tumatawag ang kalaliman sa kalaliman ng ingay ng iyong mga talon, lahat ng iyong mga alon at mga nagtataasang alon ay dumating sa akin.
8Pero uutusan ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa tipan sa umaga; sa gabi kasama ko ang kaniyang awit, ang panalangin sa Diyos ng buhay ko.
9Sasabihin ko sa aking Diyos na aking malaking bato, “Bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng aking kaaway?
10Gaya ng espada sa aking mga buto, kinukutya ako ng aking mga katunggali habang palagi nilang sinasabi sa akin, “Nasaan na ang Diyos mo?”

Read Mga Awit 42Mga Awit 42
Compare Mga Awit 42:5-10Mga Awit 42:5-10