Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 41

Mga Awit 41:1-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya.
2Pangangalagaan siya ni Yahweh at buhay niya ay pananatilihin, at sa lupa siya ay pagpapalain. Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway.
3Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman.
4Sinabi ko, “Yahweh, maawa ka sa akin! Pagalingin mo ako dahil nagkasala ako laban sa iyo.”
5Ang mga kaaway ko ay nagsasalita ng masama laban sa akin, nagsasabing, “Kailan kaya siya mamamatay at maglalaho ang kaniyang pangalan?
6Kapag pumupunta ang kaaway ko para makita ako, nagsasabi siya ng mga bagay na walang kwenta; iniipon ng kaniyang puso ang aking sakuna para sa kaniyang sarili, kapag lumayo siya mula sa akin, ipinagsasabi niya sa iba ang tungkol dito.
7Lahat ng mga napopoot sa akin ay sama-samang nagbubulungan laban sa akin; laban sa akin, umaasa sila na masaktan ako.
8“Isang masamang karamdaman,” sinasabi nila, “ang kumakapit ng mahigpit sa kaniya; ngayon na nakahiga na siya, hindi na siya makakabangon pa.”
9Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.
10Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako para pagbayarin ko sila.
11Sa pamamagitan nito nalaman ko na nasisiyahan ka sa akin, dahil ang mga kaaway ko ay hindi nagtatagumpay laban sa akin.

Read Mga Awit 41Mga Awit 41
Compare Mga Awit 41:1-11Mga Awit 41:1-11