Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 40

Mga Awit 40:1-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Matiyaga akong naghintay kay Yahweh; pinakinggan niya ako at dininig ang aking pag-iyak.
2Inahon niyo din ako mula sa kakilakilabot na hukay, mula sa putikan, at itinayo niya ang aking mga paa sa isang bato at itinatag ang aking paglalakbay.
3Siya ang naglagay sa aking mga bibig ng bagong awit, papuri sa ating Diyos. Marami ang makakaalam nito at pararangalan siya at magtitiwala kay Yahweh.
4Mapalad ang taong ginagawa niyang sandigan si Yahweh at hindi nagpaparangal sa mayayabang o silang tumalikod mula sa kaniya tungo sa kasinungalingan.
5Marami, Yahweh aking Diyos, ang kamangha-manghang bagay na iyong ginawa at hindi mabibilang ang iyong mga iniisip para sa akin; kung ihahayag ko at sasabihin ang mga ito, higit pa sa maaaring mabilang ang mga ito.
6Hindi kayo nagagalak sa pag-aalay o paghahandog pero binuksan mo ang aking tainga; hindi mo hiniling ang mga sinunog na alay o mga alay sa kasalanan.
7Pagkatapos sinabi ko, “Masdan mo, dumating ako; nasusulat sa balunbon nang kasulatan ang tungkol sa akin.
8Nalulugod akong gawin ang iyong kalooban, aking Diyos; ang iyong mga batas ay nasa aking puso.”
9Pinahayag ko ang magandang balita ng iyong katuwiran sa malaking pagtitipon; Yahweh, alam mong hindi ko mapipigilan ang labi ko sa pagsasabi nito.
10Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa aking puso; inihayag ko ang iyong katapatan at kaligtasan; hindi ko itinago ang iyong katapatan sa tipan o iyong pagiging mapagkakatiwalaan sa malaking pagtitipon.

Read Mga Awit 40Mga Awit 40
Compare Mga Awit 40:1-10Mga Awit 40:1-10