Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 38

Mga Awit 38:7-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Dahil dinaig ako ng kahihiyan, may karamdaman ang aking buong katawan.
8Manhid na ako at labis na nanlulupaypay; naghihinagpis ako dahil sa galit ng aking puso.
9Panginoon, naiintindihan mo ang masidhing pagnanais ng aking puso at ang aking mga paghihinagpis ay hindi ko maitatago mula sa iyo.
10Kumakabog ang aking puso, naglalaho ang aking lakas, at nanlalabo ang aking paningin.
11Iniiwasan ako ng aking mga kaibigan dahil sa aking kalagayan; nilalayuan ako ng aking kapwa.
12Silang mga naghahangad ng masama sa aking buhay ay naglagay ng mga patibong para sa akin. Silang naghahangad ng aking kapahamakan ay nagsasabi ng mga mapanira at mapanlinlang na mga salita buong araw.
13Pero ako, tulad ako ng isang bingi na walang naririnig; tulad ako ng isang pipi na walang sinasabi.
14Tulad ako ng isang taong hindi nakaririnig at walang katugunan.

Read Mga Awit 38Mga Awit 38
Compare Mga Awit 38:7-14Mga Awit 38:7-14