16Sinasabi ko ito para hindi ako maliitin ng aking mga kaaway. Kung madudulas ang aking paa, gagawan nila ako ng mga nakakakilabot na mga bagay.
17Dahil matitisod na ako at ako ay patuloy na naghihinanakit.
18Inaamin ko ang aking pagkakasala; nababahala ako sa aking kasalanan.
19Pero napakarami ng aking mga kaaway; ang mga napopoot ng mali ay marami.
20Gumaganti sila ng masama sa aking kabutihan; nagbabato sila ng paratang sa akin kahit pinagpatuloy ko kung ano ang mabuti.
21Huwag mo akong pabayaan, Yahweh; aking Diyos, huwag kang lumayo sa akin.
22Magmadali kang pumunta para tulungan ako, Panginoon, na aking kaligtasan.