Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 37

Mga Awit 37:20-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
20Pero ang masasama ay mamamatay. Ang mga kaaway ni Yahweh ay magiging tulad ng kasaganahan ng mga pastulan; sila ay mawawala at maglalaho sa usok.
21Ang masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, pero ang matuwid ay mapagbigay at nagbibigay.
22Ang mga pinagpala ni Yahweh ay mamanahin ang lupain; ang mga isinumpa niya ay tatanggalin.
23Sa pamamagitan ni Yahweh naitatag ang mga hakbang ng isang tao, ang tao na ang balakin ay kapuri-puri sa paningin ng Diyos.
24Bagama't siya ay nadapa, siya ay hindi babagsak, dahil hinahawakan siya ni Yahweh sa kaniyang kamay.
25Ako ay naging bata at ngayon ay matanda na; hindi pa ako nakakakita ng matuwid na pinabayaan o mga anak niyang nagmamakaawa para sa tinapay.
26Sa kahabaan ng araw siya ay mapagbigay-loob at nagpapahiram, at ang kaniyang anak ay naging isang pagpapala.
27Tumalikod ka mula sa kasamaan at gawin mo kung ano ang tama; pagkatapos, magiging ligtas ka magpakailanman.
28Dahil iniibig ni Yahweh ang katarungan at hindi pinababayaan ang kaniyang tapat na mga tagasunod. Sila ay pag-iingatan magpakailanman, pero ang kaapu-apuhan ng masama ay tatanggalin.
29Mamanahin ng matuwid ang lupain at mamumuhay sila roon magpakailanman.
30Ang bibig ng matuwid ay nagsasalita ng karunungan at nagdaragdag ng katarungan.
31Ang batas ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso; ang kaniyang paa ay hindi madudulas.
32Binabantayan ng masamang tao ang matuwid at binabalak siyang patayin.

Read Mga Awit 37Mga Awit 37
Compare Mga Awit 37:20-32Mga Awit 37:20-32