Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 37

Mga Awit 37:1-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Huwag kang mainis dahil sa masasamang tao; huwag kang mainggit sa mga umasal nang hindi makatuwiran.
2Dahil sila ay malapit nang matuyo gaya ng damo at malanta gaya ng luntiang mga halaman.
3Magtiwala ka kay Yahweh at gawin kung ano ang matuwid; tumira ka sa lupain at gawin mong tungkulin ang katapatan.
4Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso.
5Ibigay mo ang iyong pamamaraan kay Yahweh; magtiwala ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.
6Itatanghal niya ang iyong katarungan gaya ng liwanag ng araw at ang iyong kawalang-muwang gaya ng araw sa tanghali.
7Tumigil ka sa harap ni Yahweh at matiyagang maghintay sa kaniya. Huwag kang mag-alala kung may taong mapagtatagumpayan ang kaniyang masamang balakin kung ang tao ay gumagawa ng masamang mga plano.
8Huwag kang magalit at madismaya. Huwag kang mag-alala, ito ay gumagawa lamang ng problema.
9Ang mga mapaggawa ng kasamaan ay aalisin, pero ang mga naghihintay kay Yahweh ay magmamana ng lupain.
10Sa maikling panahon ang masama ay mawawala, mamamasdan mo ang kaniyang kinalulugaran, pero siya ay mawawala.
11Pero ang mapagkumbaba ay mamanahin ang lupain at magagalak sa lubos na kasaganahan.
12Ang makasalanan ay nagbabalak laban sa matuwid at nginangalit ang kaniyang ngipin laban sa kaniya.
13Ang Panginoon ay tinatawanan siya, dahil nakikita niya na ang kaniyang araw ay parating na.
14Binunot ng masama ang kanilang mga espada at binaluktot ang kanilang mga pana para ilugmok ang mga naaapi at nangangailangan, para patayin ang mga matuwid.
15Ang kanilang mga espada ang sasaksak sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga pana ay masisira.
16Mas mabuti ang kaunti na mayroon ang matuwid kaysa sa kasaganahan ng masasama.

Read Mga Awit 37Mga Awit 37
Compare Mga Awit 37:1-16Mga Awit 37:1-16