Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 36

Mga Awit 36:4-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama, nagbabalak siya ng mga paraan para magkasala; siya ay nagtatakda ng masamang paraan; hindi niya iniiwasan ang kasalanan.
5Ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay umaabot sa kalangitan; ang iyong katapatan ay umaabot sa mga kaulapan.
6Ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamataas na mga bundok; ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamalalim na dagat. Yahweh, pinangangalagaan mo ang kapwa sangkatauhan at mga hayop.
7Napakahalaga ng iyong katapatan sa tipan, O Diyos! Ang sangkatauhan ay kumakanlong sa ilalim ng anino ng iyong mga pakpak.
8Sila ay masaganang masisiyahan sa kayamanan ng mga pagkain sa iyong bahay; hahayaan mo silang uminom mula sa ilog ng iyong mahalagang mga pagpapala.
9Dahil kasama mo ang bukal ng buhay; sa iyong liwanag ay aming makikita ang liwanag.

Read Mga Awit 36Mga Awit 36
Compare Mga Awit 36:4-9Mga Awit 36:4-9