Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 35

Mga Awit 35:5-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Nawa sila ay maging tulad ng hinanging ipa, sa pagtataboy ng anghel ni Yahweh sa kanila.
6Nawa ang kanilang daraanan ay maging madilim at madulas, habang tinutugis sila ng anghel ni Yahweh.
7Nang walang dahilan, naglagay sila ng lambat para sa akin; nang walang dahilan nagbungkal sila ng hukay para sa aking buhay.
8Hayaan mo na dumating sa kanila nang hindi inaasahan ang pagkawasak. Hayaan mo na mahuli sila ng inilagay nilang lambat. Sa kanilang pagkawasak, hayaan mong sila ay bumagsak.
9Pero magsasaya ako kay Yahweh at magagalak sa kaniyang kaligtasan.
10Sa aking buong lakas sasabihin ko, “Sino ang katulad mo, Yahweh, na siyang nagliligtas sa mga api mula sa mas malakas kaysa sa kanila at ang mahihirap at nangangailangan mula sa mga nagtatangka na nakawan sila?”
11Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo.
12Binayaran nila ng kasamaan ang aking kabutihan. Ako ay nagdadalamhati.
13Pero, nang maysakit sila, nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
14Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina.

Read Mga Awit 35Mga Awit 35
Compare Mga Awit 35:5-14Mga Awit 35:5-14