Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 35

Mga Awit 35:10-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Sa aking buong lakas sasabihin ko, “Sino ang katulad mo, Yahweh, na siyang nagliligtas sa mga api mula sa mas malakas kaysa sa kanila at ang mahihirap at nangangailangan mula sa mga nagtatangka na nakawan sila?”
11Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo.
12Binayaran nila ng kasamaan ang aking kabutihan. Ako ay nagdadalamhati.
13Pero, nang maysakit sila, nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
14Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina.
15Pero nang ako ay natisod, natuwa sila at nagsama-sama; nagsama-sama sila laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
16Walang galang nila akong hinamak; nangalit ang kanilang mga ngipin sa akin.
17Panginoon hanggang kailan ka titingin? Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kanilang mga mapangwasak na pag-atake, ang buhay ko mula sa mga leon.
18Pagkatapos magpapasalamat ako sa iyo sa dakilang pagpupulong; pupurihin kita sa maraming tao.

Read Mga Awit 35Mga Awit 35
Compare Mga Awit 35:10-18Mga Awit 35:10-18