Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 33

Mga Awit 33:12-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Mapalad ang bansa na ang Diyos ay si Yahweh; ang bayan na kaniyang pinili bilang kanyang sariling pag-aari.
13Nagmamasid si Yahweh mula sa kalangitan; nakikita niya ang lahat ng mga tao.
14Mula sa lugar kung saan siya nananahan, siya ay tumingin sa lahat ng nananahan sa lupa.
15Siya na humuhubog ng mga puso nilang lahat ay nagmamasid sa lahat ng kanilang mga gawi.
16Walang hari ang naligtas sa pamamagitan ng isang malaking hukbo; ang isang mandirigma ay hindi naligtas sa pamamagitan ng kanyang dakilang lakas.
17Ang isang kabayo ay hindi tunay na kasiguruhan ng tagumpay; sa kabila ng kanyang kalakasan, ay hindi siya makakapagligtas.
18Tingnan ninyo, ang mata ni Yahweh ay nasa kanila na may takot sa kaniya, sa mga taong umaasa sa kaniyang katapatan sa tipan
19para mailigtas ang kanilang mga buhay mula sa kamatayan at panatilihin silang buhay sa mga panahon ng taggutom.
20Kami ay naghihintay kay Yahweh; siya ang aming saklolo at aming kalasag.
21Ang aming mga puso ay nagagalak sa kaniya, dahil kami ay nagtitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22Hayaan mo ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay mapasaamin habang nilalagay namin ang aming pag-asa sa iyo.

Read Mga Awit 33Mga Awit 33
Compare Mga Awit 33:12-22Mga Awit 33:12-22