Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 31

Mga Awit 31:15-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Ang aking kapalaran ay nasa iyong mga kamay. Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway at mula sa mga humahabol sa akin.
16Paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong lingkod; iligtas mo ako sa iyong katapatan sa tipan.
17Huwag mong hayaan na mapahiya ako, Yahweh; dahil nananawagan ako sa iyo! Nawa ang masama ay mapahiya! Nawa sila ay mapatahimik sa Sheol.
18Nawa mapatahimik ang mga sinungaling na labi na nagsasalita ng suwail laban sa matuwid ng may pagmamataas at paghamak.
19Napakadakila ng iyong kabutihang hinanda mo para sa mga sumasamba sa iyo, na tinupad mo para sa mga nagkukubli sa iyo sa harap ng buong sangkatauhan!
20Sa kanlungan ng iyong presensya, ikinukubli mo sila mula sa mga balakin ng mga tao. Ikinukubli mo sila sa isang kanlungan mula sa marahas na mga dila.
21Purihin si Yahweh, dahil ipinakita niya sa akin ang kaniyang kagila-gilalas na katapatan sa tipan noong ako ay nasa isang nilusob na lungsod.
22Kahit na nabanggit ko sa aking pagmamadali, “Ako ay napalayo mula sa iyong mga mata,” gayumpaman dininig mo ang aking pagmamakaawa, nang ako ay dumaing sa iyo.

Read Mga Awit 31Mga Awit 31
Compare Mga Awit 31:15-22Mga Awit 31:15-22