Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 27

Mga Awit 27:3-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Kahit ang isang hukbo ay nagsasama-sama laban sa akin, ang aking puso ay hindi matatakot; kahit digmaan ay umusbong laban sa akin, kahit ganoon ay mananatili akong nagtitiwala.
4Isang bagay ang aking hiniling kay Yahweh, at iyon ay aking hahanapin: na ako ay mananahan sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ng aking buhay, para makita ang kagandahan ni Yahweh at para magnilay-nilay sa kanyang templo.
5Dahil sa araw ng kaguluhan ay ikukubli niya ako sa kanyang kubol; sa loob ng kanyang tolda ay itatago niya ako. Itataas niya ako sa ibabaw ng isang malaking bato!
6Pagkatapos ay itataas ang aking ulo nang mas angat kaysa aking mga kaaway na nasa paligid ko, at ako ay maghahain ng mga handog ng kagalakan sa kanyang tolda! Aawit ako at gagawa ng mga awitin kay Yahweh!
7Pakinggan mo, Yahweh, ang aking tinig kapag ako ay umiiyak! Maawa ka sa akin, at sagutin mo ako!
8Sinasabi ng aking puso tungkol sa iyo, “Hanapin ang kaniyang mukha!” Hahanapin ko ang iyong mukha, Yahweh!
9Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin; huwag mong saktan ang iyong lingkod sa galit! Ikaw ang aking naging katuwang; huwag mo akong pabayaan o iwanan, Diyos ng aking kaligtasan!

Read Mga Awit 27Mga Awit 27
Compare Mga Awit 27:3-9Mga Awit 27:3-9