Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 25

Mga Awit 25:1-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Sa iyo Yahweh, Itinataas ko ang aking buhay!
2Aking Diyos, ako ay nagtitiwala sa iyo. Huwag mo akong hayaang mapahiya; huwag mong hayaan na magalak ng may katagumpayan sa akin ang aking mga kaaway.
3Nawa walang sinumang umaasa sa iyo ang maalipusta; nawa ang mga nagsisigawa ng kataksilan na walang dahilan ay mapahiya!
4Ipaalam mo sa akin ang iyong mga kaparaanan, Yahweh, ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
5Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, dahil ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; Ako ay umaasa sa iyo buong araw.
6Alalahanin mo, Yahweh, ang iyong mga gawa ng kahabagan at sa katapatan sa tipan; dahil lagi silang nananatili magpakailanman.
7Huwag mong alalahanin ang tungkol sa mga kasalanan ng aking kabataan o ang aking pagrerebelde; alalahanin mo ako na may katapatan sa tipan dahil sa iyong kabutihan, Yahweh!
8Si Yahweh ay mabuti at matuwid; kaya itinuturo niya ang daan sa mga makasalanan.
9Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba na may katarungan at itinuturo niya ang kanyang daan sa mga mapagpakumbaba.
10Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan sa mga nag-iingat ng kanyang tipan at kanyang mga tapat na kautusan.
11Alang-alang sa iyong pangalan, Yahweh, patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki.
12Sino ang taong may takot kay Yahweh? Tuturuan siya ng Panginoon sa daan na dapat niyang piliin.
13Ang kanyang buhay ay magpapatuloy sa kabutihan; at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magmamana ng lupain.
14Ang pakikipagkaibigan ni Yahweh ay para sa mga nagbibigay karangalan sa kanya, at pinapahayag ang kanyang tipan sa kanila.

Read Mga Awit 25Mga Awit 25
Compare Mga Awit 25:1-14Mga Awit 25:1-14