Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 22

Mga Awit 22:13-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Binubuksan nila ang kanilang bibig para sa akin na parang isang umaatungal na leon na niluluray ang kaniyang biktima.
14Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
15Ang aking lakas ay parang natuyong piraso ng palayukan; ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala. Inilagay mo ako sa alabok ng kamatayan.
16Dahil pinapaligiran ako ng mga aso; napalibutan ako ng samahan na mga mapaggawa ng masama; tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.
17Nabibilang ko na ang aking mga buto. Tumitingin at tumititig sila sa akin.
18Pinaghahatian nila ang aking mga kasuotan sa kanilang mga sarili, pinagpipilian nila ang aking mga damit.
19Huwag kang lumayo, Yahweh; hinihiling kong magmadali ka para tulungan ako, aking kalakasan!

Read Mga Awit 22Mga Awit 22
Compare Mga Awit 22:13-19Mga Awit 22:13-19