Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 16

Mga Awit 16:1-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ingatan mo ako, O Diyos, dahil sa iyo ako kumukubli.
2Sinasabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; ang kabutihan ko ay walang saysay nang malayo sa iyo.
3Para sa mga taong banal na nasa daigdig, sila ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila.
4Ang kanilang kapahamakan ay lalawig, silang naghahanap ng ibang diyos. Hindi ako magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi.
5Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana.
6Mga panukat na guhit ay inalagay para sakin sa mga kalugod-lugod na lugar; tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin.
7Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin.
8Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras, kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay!
9Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya; tiyak na mabubuhay ako nang panatag.
10Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay.
11Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!

Read Mga Awit 16Mga Awit 16
Compare Mga Awit 16:1-11Mga Awit 16:1-11