Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 148

Mga Awit 148:2-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Purihin niyo siya, lahat kayong mga anghel; purihin niyo siya, lahat kayong mga hukbo ng anghel.
3Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin.
4Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan.
5Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at sila ay nalikha.
6Itinatag niya rin sila magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
7Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
8apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
9mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
10mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon,
11mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,
12mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata.
13Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.

Read Mga Awit 148Mga Awit 148
Compare Mga Awit 148:2-13Mga Awit 148:2-13