Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 145

Mga Awit 145:11-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Silang matatapat sa iyo ay magsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at sila ay magsasabi ng iyong kapangyarihan.
12Kanilang ipapakilala ang makapangyarihang mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan at ang maluwalhating kadakilaan ng kaniyang kaharian.
13Ang iyong kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang iyong kapangyarihan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.
14Itinataguyod ni Yahweh ang lahat ng bumabagsak at ibinabangon silang mga nanghihinang loob.
15Ang mga mata ng lahat ay naghihintay para sa iyo; ibinigay mo sa tamang oras ang kanilang pagkain.
16Binuksan mo ang iyong kamay at pinupunan ang nais ng bawat may buhay.
17Si Yahweh ay matuwid sa lahat ng kaniyang kaparaanan at mapagbigay-loob sa lahat ng kaniyang ginagawa.
18Si Yahweh ay malapit sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya, ang lahat ng tumatawag sa kaniya ng may pagtitiwala.

Read Mga Awit 145Mga Awit 145
Compare Mga Awit 145:11-18Mga Awit 145:11-18