Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 145

Mga Awit 145:1-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ipagbubunyi kita, aking Diyos na Hari; pupurihin ko ang iyong pangalan magpakailanman.
2Araw-araw pupurihin kita, pupurihin ko ang ngalan mo magpakailanman.
3Dakila si Yahweh at karapat-dapat na papurihan; ang kaniyang kadakilaan ay hindi matatagpuan.
4Ang isang henerasyon ay papupurihan ang iyong mga gawa hanggang sa mga susunod at ipahahayag ang iyong makapangyarihang mga gawa.
5Magninilay ako sa katanyagan ng iyong kaluwalhatian at sa iyong kahanga-hangang mga gawa.
6Sila ay magsasalita tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa; ipahahayag ko ang iyong kaluwalhatian.
7Ihahayag nila ang iyong masaganang kabutihan, at sila ay aawit tungkol sa iyong katuwiran.
8Mapagbigay-loob at maawain si Yahweh, hindi mabilis magalit at sagana sa katapatan sa tipan.
9Si Yahweh ay mabuti sa lahat, ang kaniyang mapagmahal na awa ay nasa kaniyang mga gawa.
10Yahweh, ang lahat ng iyong nilikha ay magpapasalamat sa iyo; silang matatapat sa iyo ay pagpapalain ka.
11Silang matatapat sa iyo ay magsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at sila ay magsasabi ng iyong kapangyarihan.
12Kanilang ipapakilala ang makapangyarihang mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan at ang maluwalhating kadakilaan ng kaniyang kaharian.
13Ang iyong kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang iyong kapangyarihan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.
14Itinataguyod ni Yahweh ang lahat ng bumabagsak at ibinabangon silang mga nanghihinang loob.
15Ang mga mata ng lahat ay naghihintay para sa iyo; ibinigay mo sa tamang oras ang kanilang pagkain.

Read Mga Awit 145Mga Awit 145
Compare Mga Awit 145:1-15Mga Awit 145:1-15