Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 144

Mga Awit 144:1-7

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Purihin si Yahweh, aking muog, na siyang nagsasanay ng aking mga kamay para sa digmaan at sa aking mga daliri para sa labanan.
2Ikaw ang aking katapatan sa tipan at aking tanggulan, ang aking matayog na tore at siyang sumasagip sa akin, ang aking pananggalang at siyang aking kanlungan, na siyang nagpasuko ng mga bayan sa ilalim ko.
3Yahweh, ano ang tao na nakukuha niya ang iyong pansin o sa anak ng tao na iniisip mo ang tungkol sa kaniya?
4Ang tao ay gaya ng isang hininga, ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang dumaraang anino.
5Yahweh, palubugin mo ang kalangitan at bumaba ka; hawakan mo ang mga bundok at pausukin sila.
6Magpadala ka ng mga kislap ng kidlat at bulabugin mo ang aking mga kaaway; pakawalan mo ang iyong palaso at ibalik sila sa kaguluhan.
7Iabot mo ang iyong kamay mula sa itaas, sagipin mo ako sa maraming tubig mula sa mga kamay ng mga dayuhan.

Read Mga Awit 144Mga Awit 144
Compare Mga Awit 144:1-7Mga Awit 144:1-7