Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 143

Mga Awit 143:2-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Huwag mong hatulan ang iyong lingkod, dahil walang matuwid sa iyong paningin.
3Hinangad ng kaaway ang aking kaluluwa; ako ay kaniyang ibinaon sa lupa; pinatira niya ako sa kadiliman tulad ng mga matagal ng namatay.
4Ang aking espiritu ay nanglulupaypay; ang aking puso ay nawalan ng pag-asa.
5Inalala ko ang nakalipas, nagnilay ako sa iyong mga gawa; nagmuni-muni ako sa iyong mga katagumpayan.
6Itinataas ko ang aking mga kamay sa iyo sa panalangin; ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo sa isang tuyong lupain. Selah.
7Yahweh, sumagot ka agad sa akin dahil ang aking espiritu ay nanghihina. Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin, o ako ay magiging gaya ng mga bumaba sa hukay.
8Hayaan mong marinig ko ang iyong katapatan sa tipan sa umaga, dahil nagtitiwala ako sa iyo. Ipakita mo sa akin ang daan kung saan ako dapat lumakad, dahil itinataas ko ang aking kaluluwa sa iyo.

Read Mga Awit 143Mga Awit 143
Compare Mga Awit 143:2-8Mga Awit 143:2-8