Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 141

Mga Awit 141:4-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Huwag mong hayaan ang aking puso na magnais ng kahit anong masamang bagay o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong kumikilos ng masama. Nawa ang kanilang masarap na pagkain ay hindi ko kainin.
5Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama.
6Ang kanilang mga pinuno ay ihuhulog mula sa itaas ng bangin; maririnig nila na aking sariling mga salita ay kaaya-aya.
7Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.”
8Tiyak na ang aking mga mata ay nasa iyo, Yahweh, Panginoon; sa iyo ako nagkukubli; huwag mong iwanan ang aking kaluluwa ng walang pagtatanggol.
9Pangalagaan mo ako mula sa mga bitag na kanilang inilatag para sa akin, mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama.

Read Mga Awit 141Mga Awit 141
Compare Mga Awit 141:4-9Mga Awit 141:4-9