Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 136

Mga Awit 136:2-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2O, magpasalamat sa Diyos ng mga diyos, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
3O, magpasalamat sa Panginoon ng mga panginoon, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
4Sa kaniya na nag-iisang gumagawa ng labis na kamanghaan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
5sa kaniyang karunungan ginawa ang kalangitan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
6sa kaniya na nagkalat ng lupa sa ibabaw ng katubigan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
7sa kaniya na gumawa ng kahanga-hangang mga liwanag, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
8ng araw na naghahari sa umaga, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
9ng buwan at bituin na naghahari sa gabi, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
10na siyang pumatay sa mga panganay na anak ng Ehipto, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
11at naglabas sa Israel mula sa kanila, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
12na may malakas na kamay at nakataas na braso, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
13na siyang naghati sa dagat na Pula dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
14at nagawang padaanin ang Israelita sa kalagitnaan nito, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
15pero ipinatapon ang Paraon at ang kaniyang hukbo sa dagat na Pula, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
16siya na nagdala sa kaniyang bayan sa ilang, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
17siya na nagpapatay sa mga dakilang hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
18at pinatay ang tanyag na mga hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
19sina Sihon hari ng mga Amoreo, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
20at Og hari ng Bashan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
21at binigay ang kanilang lupain bilang pamana, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
22isang pamana sa Israel na kaniyang lingkod, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—

Read Mga Awit 136Mga Awit 136
Compare Mga Awit 136:2-22Mga Awit 136:2-22