Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 136

Mga Awit 136:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
2O, magpasalamat sa Diyos ng mga diyos, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
3O, magpasalamat sa Panginoon ng mga panginoon, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
4Sa kaniya na nag-iisang gumagawa ng labis na kamanghaan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
5sa kaniyang karunungan ginawa ang kalangitan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
6sa kaniya na nagkalat ng lupa sa ibabaw ng katubigan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
7sa kaniya na gumawa ng kahanga-hangang mga liwanag, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
8ng araw na naghahari sa umaga, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—

Read Mga Awit 136Mga Awit 136
Compare Mga Awit 136:1-8Mga Awit 136:1-8