Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 135

Mga Awit 135:4-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Dahil pinili ni Yahweh si Jacob para sa kaniyang sarili, ang Israel bilang kaniyang pag-aari.
5Alam kong si Yahweh ay dakila, na ang ating Panginoon ay mataas sa lahat ng diyos.
6Kahit na anong naisin ni Yahweh, ginagawa niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman ng karagatan.
7Inilagay niya ang mga ulap mula sa malayo, na gumagawa ng lumiliwanag na kidlat kasama ng ulan at nagdadala ng hangin mula sa kaniyang imbakan.
8Pinatay niya ang panganay na anak ng Ehipto, maging tao at mga hayop.
9Nagpadala siya ng mga tanda at mga kababalaghan sa inyong kalagitnaan, Ehipto, laban sa Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
10Maraming bansa ang nilusob niya at pinatay ang malalakas na hari,
11sina Sihon hari ng Amoreo at Og hari ng Bashan at lahat ng kaharian sa Canaan.
12Ibinigay niya ang kanilang mga lupain para ipamana, isang pamana sa kaniyang bayang Israel.
13Yahweh, ang iyong pangalan ay mananatili magpakailanman; Yahweh, ang iyong katanyagan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.
14Dahil ipinagtatanggol ni Yahweh ang kaniyang bayan at may habag siya sa kaniyang mga lingkod.
15Ang mga bansa ng mga diyos-diyosan ay pilak at ginto, gawa sa kamay ng mga tao.
16Ang mga diyos-diyosan ay may mga bibig, pero hindi sila nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi nakakikita;
17mayroon silang mga tainga, pero hindi nakaririnig, ni hininga ay wala sa kanilang mga bibig.

Read Mga Awit 135Mga Awit 135
Compare Mga Awit 135:4-17Mga Awit 135:4-17