Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 125

Mga Awit 125:1-5

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
2Gaya ng mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin nakapalibot si Yahweh sa kaniyang bayan ngayon at magpakailanman.
3Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali.
4Yahweh, gumawa ka ng mabuti, sa kanilang mga mabuti at sa mga matuwid sa kanilang mga puso.
5Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy sila ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.

Read Mga Awit 125Mga Awit 125
Compare Mga Awit 125:1-5Mga Awit 125:1-5