Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:90-106

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
90Mananatili ang katapatan mo sa lahat ng salinlahi; itinatag mo ang mundo, at ito ay mananatili.
91Nagpapatuloy hanggang ngayon ang lahat ng mga bagay, gaya ng sinabi mo sa matuwid mong mga utos, dahil mga lingkod mo ang lahat ng mga bagay.
92Kung hindi ko naging kasiyahan ang iyong batas, namatay na sana ako sa aking paghihirap.
93Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga tagubilin mo, dahil sa pamamagitan nito, pinanatili mo akong buhay.
94Ako ay sa iyo; iligtas mo ako, dahil hinahanap ko ang mga tagubilin mo.
95Ang mga masasama ay naghahanda para ako ay sirain, pero uunawain ko ang mga utos mo sa tipan.
96Nakita ko na may hangganan ang lahat ng bagay, pero malawak ang iyong mga kautusan at walang hangganan. MEM.
97O iniibig ko ang iyong batas! Ito ang pinagninilayan ko buong araw.
98Higit akong pinatatalino ng mga kautusan mo kaysa sa mga kaaway ko, dahil lagi kong kasama ang mga kautusan mo.
99Mayroon akong higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng aking mga guro, dahil pinagninilayan ko ang mga utos mo sa tipan.
100Higit akong nakauunawa kaysa sa mga nakatatanda sa akin; dahil ito sa pagsunod ko sa iyong mga tagubilin.
101Tumalikod ako mula sa landas ng kasamaan para masunod ko ang salita mo.
102Hindi ako tumalikod mula sa matuwid mong mga utos dahil tinuruan mo ako.
103Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
104Sa pamamagitan ng mga tagubilin mo, natamo ko ang tamang pagpapasiya; kaya nga kinapopootan ko ang bawat maling paraan. NUN.
105Ang salita mo ay ilawan ng aking mga paa at liwanag para sa aking landas.
106Nangako ako at pinagtibay ko ito, na susundin ko ang mga utos mo.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:90-106Mga Awit 119:90-106