Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:82-102

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
82Nananabik ang aking mga mata na makita ang iyong pinangako; kailan mo kaya ako aaliwin?
83Dahil naging tulad ako ng pinauusukang sisidlan ng alak; hindi ko kinakalimutan ang iyong mga alituntunin.
84Gaano katagal ito pagtitiisan ng iyong lingkod; kailan mo hahatulan ang mga umuusig sa akin?
85Naghukay ng malalim ang mga mapagmalaki para sa akin, na nilalabag ang iyong batas.
86Lahat ng mga kautusan mo ay maaasahan; inuusig ako ng mga tao nang may kamalian; tulungan mo ako.
87Halos tapusin nila ang buhay ko sa mundo, pero hindi ko itinakwil ang mga tagubilin mo.
88Panatilihin mo akong buhay gaya ng ipinangako ng katapatan mo sa tipan, para maingatan ko ang sinabi mo sa mga utos mo sa tipan. LAMEDH.
89Mananatili ang salita mo, Yahweh, magpakailanman; matatag ang salita mo sa kalangitan.
90Mananatili ang katapatan mo sa lahat ng salinlahi; itinatag mo ang mundo, at ito ay mananatili.
91Nagpapatuloy hanggang ngayon ang lahat ng mga bagay, gaya ng sinabi mo sa matuwid mong mga utos, dahil mga lingkod mo ang lahat ng mga bagay.
92Kung hindi ko naging kasiyahan ang iyong batas, namatay na sana ako sa aking paghihirap.
93Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga tagubilin mo, dahil sa pamamagitan nito, pinanatili mo akong buhay.
94Ako ay sa iyo; iligtas mo ako, dahil hinahanap ko ang mga tagubilin mo.
95Ang mga masasama ay naghahanda para ako ay sirain, pero uunawain ko ang mga utos mo sa tipan.
96Nakita ko na may hangganan ang lahat ng bagay, pero malawak ang iyong mga kautusan at walang hangganan. MEM.
97O iniibig ko ang iyong batas! Ito ang pinagninilayan ko buong araw.
98Higit akong pinatatalino ng mga kautusan mo kaysa sa mga kaaway ko, dahil lagi kong kasama ang mga kautusan mo.
99Mayroon akong higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng aking mga guro, dahil pinagninilayan ko ang mga utos mo sa tipan.
100Higit akong nakauunawa kaysa sa mga nakatatanda sa akin; dahil ito sa pagsunod ko sa iyong mga tagubilin.
101Tumalikod ako mula sa landas ng kasamaan para masunod ko ang salita mo.
102Hindi ako tumalikod mula sa matuwid mong mga utos dahil tinuruan mo ako.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:82-102Mga Awit 119:82-102