Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:70-109

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
70Tumigas ang kanilang mga puso, pero nasisiyahan ako sa batas mo.
71Nakabubuti para sa akin na naghirap ako para matutunan ko ang mga alituntunin mo.
72Mas mahalaga ang mga tagubilin mula sa iyong bibig kaysa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak. YOD
73Ang mga kamay mo ang gumawa at humubog sa akin; bigyan mo ako ng pang-unawa para matutunan ko ang mga kautusan mo.
74Matutuwa ang mga nagpaparangal sa iyo kapag nakikita nila ako dahil nakatagpo ako ng pag-asa sa iyong salita.
75Alam ko, Yahweh, na makatarungan ang mga utos mo, at sa katapatang ito, pinahirapan mo ako.
76Hayaan mong aliwin ako ng katapatan mo sa tipan gaya ng ipinangako mo sa iyong lingkod.
77Kahabagan mo ako para mabuhay ako, dahil ang batas mo ang kasiyahan ko.
78Hayaan mong malagay sa kahihiyan ang mga mapagmalaki, dahil siniraan nila ako; pero magninilay ako sa mga tagubilin mo.
79Nawa bumalik sa akin ang mga nagpaparangal sa iyo, silang mga nakakaalam ng mga utos mo sa tipan.
80Maging malinis nawa ang aking puso na may paggalang sa mga alituntunin mo para hindi ako malagay sa kahihiyan. KAPH.
81Nanghihina ako nang may pananabik na ako ay iyong sagipin! Umaasa ako sa iyong salita!
82Nananabik ang aking mga mata na makita ang iyong pinangako; kailan mo kaya ako aaliwin?
83Dahil naging tulad ako ng pinauusukang sisidlan ng alak; hindi ko kinakalimutan ang iyong mga alituntunin.
84Gaano katagal ito pagtitiisan ng iyong lingkod; kailan mo hahatulan ang mga umuusig sa akin?
85Naghukay ng malalim ang mga mapagmalaki para sa akin, na nilalabag ang iyong batas.
86Lahat ng mga kautusan mo ay maaasahan; inuusig ako ng mga tao nang may kamalian; tulungan mo ako.
87Halos tapusin nila ang buhay ko sa mundo, pero hindi ko itinakwil ang mga tagubilin mo.
88Panatilihin mo akong buhay gaya ng ipinangako ng katapatan mo sa tipan, para maingatan ko ang sinabi mo sa mga utos mo sa tipan. LAMEDH.
89Mananatili ang salita mo, Yahweh, magpakailanman; matatag ang salita mo sa kalangitan.
90Mananatili ang katapatan mo sa lahat ng salinlahi; itinatag mo ang mundo, at ito ay mananatili.
91Nagpapatuloy hanggang ngayon ang lahat ng mga bagay, gaya ng sinabi mo sa matuwid mong mga utos, dahil mga lingkod mo ang lahat ng mga bagay.
92Kung hindi ko naging kasiyahan ang iyong batas, namatay na sana ako sa aking paghihirap.
93Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga tagubilin mo, dahil sa pamamagitan nito, pinanatili mo akong buhay.
94Ako ay sa iyo; iligtas mo ako, dahil hinahanap ko ang mga tagubilin mo.
95Ang mga masasama ay naghahanda para ako ay sirain, pero uunawain ko ang mga utos mo sa tipan.
96Nakita ko na may hangganan ang lahat ng bagay, pero malawak ang iyong mga kautusan at walang hangganan. MEM.
97O iniibig ko ang iyong batas! Ito ang pinagninilayan ko buong araw.
98Higit akong pinatatalino ng mga kautusan mo kaysa sa mga kaaway ko, dahil lagi kong kasama ang mga kautusan mo.
99Mayroon akong higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng aking mga guro, dahil pinagninilayan ko ang mga utos mo sa tipan.
100Higit akong nakauunawa kaysa sa mga nakatatanda sa akin; dahil ito sa pagsunod ko sa iyong mga tagubilin.
101Tumalikod ako mula sa landas ng kasamaan para masunod ko ang salita mo.
102Hindi ako tumalikod mula sa matuwid mong mga utos dahil tinuruan mo ako.
103Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
104Sa pamamagitan ng mga tagubilin mo, natamo ko ang tamang pagpapasiya; kaya nga kinapopootan ko ang bawat maling paraan. NUN.
105Ang salita mo ay ilawan ng aking mga paa at liwanag para sa aking landas.
106Nangako ako at pinagtibay ko ito, na susundin ko ang mga utos mo.
107Labis akong nasasaktan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
108Pakiusap, tanggapin mo Yahweh ang kusang-loob na mga alay ng aking bibig, at ituro mo sa akin ang matuwid mong mga utos.
109Nasa kamay ko palagi ang aking buhay, pero hindi ko kinalilimutan ang iyong batas.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:70-109Mga Awit 119:70-109