Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:32-46

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
32Tatakbo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil pinataba mo ang aking puso na gawin ito. HE.
33Ituro mo, Yahweh, ang pamamaraan ng iyong mga alituntunin, at iingatan ko ang mga ito hanggang sa katapusan.
34Bigyan mo ako ng pang-unawa at iingatan ko ang iyong utos; buong puso ko itong susundin.
35Gabayan mo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil nasisiyahan akong lumakad dito.
36Akayin mo ang aking puso sa iyong tipan at ilayo mula sa mga bagay na hindi makatuwiran.
37Ibaling mo ang aking mga mata mula sa pagtingin sa mga bagay na walang halaga; pasiglahin mo ako sa mga kaparaanan mo.
38Tuparin mo alang-alang sa iyong lingkod ang mga pangakong ginawa mo para sa mga nagpaparangal sa iyo.
39Alisin mo sa akin ang mga panlalait na kinatatakutan ko, dahil mabuti ang matuwid mong paghatol.
40Tingnan mo, nananabik ako para sa iyong tagubilin; panatilihin mo akong buhay sa pamamagitan ng iyong matuwid na pagpapalaya. VAV.
41Iparanas mo sa akin, Yahweh, ang pag-ibig mong hindi nagmamaliw— ang kaligtasan mo ayon sa iyong pangako;
42para may itutugon ako sa mga nangungutya sa akin, dahil nagtitiwala ako sa iyong salita.
43Huwag mong alisin sa aking bibig ang salita ng katotohanan, dahil naghintay ako para sa matuwid mong mga utos.
44Patuloy kong susundin ang iyong batas magpakailanpaman.
45Maglalakad ako nang ligtas, dahil hinahanap ko ang iyong mga tagubilin.
46Magsasalita ako tungkol sa mga banal mong utos sa harap ng mga hari at hindi mahihiya.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:32-46Mga Awit 119:32-46