Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:167-176

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
167Sinusunod ko ang mga banal mong kautusan at labis ko itong minamahal.
168Iniingatan ko ang mga tagubilin mo at banal na kautusan, dahil alam mo ang lahat ng ginagawa ko. TAV.
169Pakinggan mo ang aking iyak ng paghingi ng tulong, Yahweh; bigyan mo ako ng pang-unawa sa iyong salita.
170Makarating nawa ang aking pagsamo sa harap mo; tulungan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
171Nawa ay magbuhos ng papuri ang aking mga labi, dahil itinuro mo sa akin ang alituntunin mo.
172Hayaang mong umawit ang aking dila tungkol sa iyong salita, dahil matuwid lahat ng mga kautusan mo.
173Nawa tulungan ako ng iyong kamay, dahil pinili ko ang mga tagubilin mo.
174Nananabik ako para sa pagliligtas mo, Yahweh, at ang batas mo ang aking kasiyahan.
175Nawa mabuhay ako at mapapurihan ka, at matulungan ako ng matuwid mong mga utos.
176Naligaw ako tulad ng nawalang tupa; hanapin mo ang iyong lingkod, dahil hindi ko kinalimutan ang mga kautusan mo.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:167-176Mga Awit 119:167-176