Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:150-170

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
150Papalapit nang papalapit sa akin ang mga umuusig sa akin, pero malayo sila sa iyong batas.
151Ikaw ay malapit, Yahweh, at lahat ng mga kautusan mo ay mapagkakatiwalaan.
152Natutunan ko noon mula sa mga utos mo sa tipan na itinakda mo ang mga ito magpakailanman. RESH
153Tingnan mo ang aking mga paghihirap at tulungan mo ako, dahil hindi ko kinalilimutan ang batas mo.
154Ipagtanggol mo ang aking kapakanan at tubusin ako; ingatan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
155Malayo ang kaligtasan mula sa masasama, dahil hindi nila minamahal ang iyong alituntunin.
156Dakila ang iyong mahabaging mga gawa, Yahweh; panatilihin mo akong buhay gaya ng lagi mong ginagawa.
157Marami ang aking mga taga-usig at kaaway, pero hindi pa rin ako tumalikod sa mga utos mo sa tipan.
158Tinitingnan ko ng may pagkasuklam ang mga mandaraya dahil hindi nila sinusunod ang iyong salita.
159Tingnan mo kung gaano ko minamahal ang mga tagubilin mo; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa pamamagitan ng katapatan mo sa tipan.
160Ang diwa ng iyong salita ay mapagkakatiwalaan; bawat isa sa mga utos mo ay mananatili magpakailanman. SHIN.
161Inuusig ako ng mga prinsipe ng walang dahilan; nanginginig ang aking puso, takot na suwayin ang iyong salita.
162Nagagalak ako sa iyong salita tulad ng nakahanap ng malaking gantimpala.
163Kinapopootan ko at kinasusuklaman ang kasinungalingan, pero minamahal ko ang iyong batas.
164Pitong beses sa isang araw kitang pinupuri dahil sa matuwid mong mga utos.
165Malaking kapayapaan ang nakakamtan ng mga nagmamahal sa batas mo, walang makatitisod sa kanila.
166Naghihintay ako para sa iyong kaligtasan, Yahweh, at sinusunod ko ang iyong mga kautusan.
167Sinusunod ko ang mga banal mong kautusan at labis ko itong minamahal.
168Iniingatan ko ang mga tagubilin mo at banal na kautusan, dahil alam mo ang lahat ng ginagawa ko. TAV.
169Pakinggan mo ang aking iyak ng paghingi ng tulong, Yahweh; bigyan mo ako ng pang-unawa sa iyong salita.
170Makarating nawa ang aking pagsamo sa harap mo; tulungan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:150-170Mga Awit 119:150-170