Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:134-160

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
134Tubusin mo ako mula sa pang-aapi ng mga tao para masunod ko ang mga tagubilin mo.
135Hayaan mong magliwanag ang iyong mukha sa iyong lingkod, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
136Napakaraming mga luha ang umaagos mula sa aking mga mata dahil hindi sinusunod ng mga tao ang iyong batas. TSADHE.
137Matuwid ka, Yahweh, at makatarungan ang mga utos mo.
138Matuwid at matapat mong ibinigay ang mga utos mo sa tipan.
139Winasak ako ng galit dahil kinakalimutan ng mga kalaban ko ang mga salita mo.
140Labis nang nasubok ang iyong salita, at iniibig ito ng iyong lingkod.
141Ako ay walang halaga at inalipusta, pero hindi ko pa rin kinalilimutan ang mga tagubilin mo.
142Ang katarungan mo ay matuwid magpakailanman, at ang batas mo ay mapagkakatiwalaan.
143Kahit na natagpuan ako ng bagabag at paghihirap, ang kautusan mo pa rin ang aking kasiyahan.
144Ang mga utos mo sa tipan ay matuwid magpakailanman; bigyan mo ako ng pang-unawa para ako ay mabuhay. QOPH.
145Nanawagan ako ng buong puso, “Sagutin mo ako, Yahweh, iingatan ko ang mga alituntunin mo.
146Tumatawag ako sa iyo; iligtas mo ako, at susundin ko ang mga utos mo sa tipan.
147Bumabangon ako bago sumikat ang araw at humihingi ng tulong. Umaasa ako sa mga salita mo.
148Mulat ang aking mga mata bago magpalit ng mga yugto ang gabi, para mapagnilayan ko ang mga salita mo.
149Dinggin mo ang aking tinig sa katapatan mo sa tipan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa matuwid mong mga utos.
150Papalapit nang papalapit sa akin ang mga umuusig sa akin, pero malayo sila sa iyong batas.
151Ikaw ay malapit, Yahweh, at lahat ng mga kautusan mo ay mapagkakatiwalaan.
152Natutunan ko noon mula sa mga utos mo sa tipan na itinakda mo ang mga ito magpakailanman. RESH
153Tingnan mo ang aking mga paghihirap at tulungan mo ako, dahil hindi ko kinalilimutan ang batas mo.
154Ipagtanggol mo ang aking kapakanan at tubusin ako; ingatan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
155Malayo ang kaligtasan mula sa masasama, dahil hindi nila minamahal ang iyong alituntunin.
156Dakila ang iyong mahabaging mga gawa, Yahweh; panatilihin mo akong buhay gaya ng lagi mong ginagawa.
157Marami ang aking mga taga-usig at kaaway, pero hindi pa rin ako tumalikod sa mga utos mo sa tipan.
158Tinitingnan ko ng may pagkasuklam ang mga mandaraya dahil hindi nila sinusunod ang iyong salita.
159Tingnan mo kung gaano ko minamahal ang mga tagubilin mo; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa pamamagitan ng katapatan mo sa tipan.
160Ang diwa ng iyong salita ay mapagkakatiwalaan; bawat isa sa mga utos mo ay mananatili magpakailanman. SHIN.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:134-160Mga Awit 119:134-160