Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:121-135

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
121Ginagawa ko kung ano ang makatarungan at matuwid; huwag mo akong iwanan sa mga nang-aapi sa akin.
122Siguraduhin mo ang kapakanan ng iyong lingkod, huwag mong hayaang apihin ako ng mga mapagmalaki.
123Napapagal ang aking mga mata sa paghihintay para sa iyong kaligtasan at sa matuwid mong salita.
124Ipakita mo sa iyong lingkod ang katapatan mo sa tipan, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
125Ako ay iyong lingkod; bigyan mo ako ng pang-unawa para malaman ko ang mga utos mo sa tipan.
126Oras na para kumilos si Yahweh, dahil nilalabag ng mga tao ang iyong batas.
127Tunay ngang minamahal ko ang iyong mga kautusan higit sa ginto, higit sa purong ginto.
128Kaya nga, sumusunod ako nang mabuti sa lahat ng mga tagubilin mo, at napopoot ako sa bawat landas ng kamalian. PE.
129Kahanga-hanga ang mga patakaran mo, kaya nga sinusunod ko ang mga ito.
130Ang paglalahad ng mga salita mo ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ito ng pang-unawa sa mga hindi naturuan.
131Binubuksan ko ang aking bibig at humihingal dahil nananabik ako para sa mga kautusan mo.
132Humarap ka sa akin at mahabag, gaya ng lagi mong ginagawa para sa mga nagmamahal sa iyong pangalan.
133Akayin mo ang aking mga yapak sa pamamagitan ng iyong salita; huwag mong hayaang pamunuan ako ng kahit anong kasalanan.
134Tubusin mo ako mula sa pang-aapi ng mga tao para masunod ko ang mga tagubilin mo.
135Hayaan mong magliwanag ang iyong mukha sa iyong lingkod, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:121-135Mga Awit 119:121-135