Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:115-129

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
115Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, para masunod ko ang mga kautusan ng aking Diyos.
116Palakasin mo ako sa pamamagitan ng iyong salita para mabuhay ako at hindi mapahiya sa aking inaasahan.
117Tulungan mo ako at magiging ligtas ako; lagi kong pinagninilayan ang mga alituntunin mo.
118Itinatakwil mo ang lahat ng mga nalilihis mula sa iyong mga alituntunin, dahil mapanlinlang at hindi maaasahan ang mga taong iyon.
119Inaalis mo ang lahat ng masasama sa mundo katulad ng dumi; kaya nga, minamahal ko ang banal mong mga kautusan.
120Nanginginig ang aking katawan sa takot sa iyo, at natatakot ako sa matuwid mong mga utos. AYIN.
121Ginagawa ko kung ano ang makatarungan at matuwid; huwag mo akong iwanan sa mga nang-aapi sa akin.
122Siguraduhin mo ang kapakanan ng iyong lingkod, huwag mong hayaang apihin ako ng mga mapagmalaki.
123Napapagal ang aking mga mata sa paghihintay para sa iyong kaligtasan at sa matuwid mong salita.
124Ipakita mo sa iyong lingkod ang katapatan mo sa tipan, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
125Ako ay iyong lingkod; bigyan mo ako ng pang-unawa para malaman ko ang mga utos mo sa tipan.
126Oras na para kumilos si Yahweh, dahil nilalabag ng mga tao ang iyong batas.
127Tunay ngang minamahal ko ang iyong mga kautusan higit sa ginto, higit sa purong ginto.
128Kaya nga, sumusunod ako nang mabuti sa lahat ng mga tagubilin mo, at napopoot ako sa bawat landas ng kamalian. PE.
129Kahanga-hanga ang mga patakaran mo, kaya nga sinusunod ko ang mga ito.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:115-129Mga Awit 119:115-129