Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 119

Mga Awit 119:109-124

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
109Nasa kamay ko palagi ang aking buhay, pero hindi ko kinalilimutan ang iyong batas.
110Naglagay ng patibong para sa akin ang mga masasama, pero hindi ako naligaw mula sa mga tagubilin mo.
111Inaangkin ko ang mga utos mo sa tipan bilang aking mana magpakailanman, dahil ito ang kagalakan ng aking puso.
112Nakalaan ang aking puso sa pagsunod sa mga alituntunin mo magpakailanman hanggang sa wakas. SAMEKH.
113Galit ako sa mga walang paninindigan, pero mahal ko ang iyong batas.
114Ikaw ang aking kublihan at kalasag; naghihintay ako para sa iyong salita.
115Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, para masunod ko ang mga kautusan ng aking Diyos.
116Palakasin mo ako sa pamamagitan ng iyong salita para mabuhay ako at hindi mapahiya sa aking inaasahan.
117Tulungan mo ako at magiging ligtas ako; lagi kong pinagninilayan ang mga alituntunin mo.
118Itinatakwil mo ang lahat ng mga nalilihis mula sa iyong mga alituntunin, dahil mapanlinlang at hindi maaasahan ang mga taong iyon.
119Inaalis mo ang lahat ng masasama sa mundo katulad ng dumi; kaya nga, minamahal ko ang banal mong mga kautusan.
120Nanginginig ang aking katawan sa takot sa iyo, at natatakot ako sa matuwid mong mga utos. AYIN.
121Ginagawa ko kung ano ang makatarungan at matuwid; huwag mo akong iwanan sa mga nang-aapi sa akin.
122Siguraduhin mo ang kapakanan ng iyong lingkod, huwag mong hayaang apihin ako ng mga mapagmalaki.
123Napapagal ang aking mga mata sa paghihintay para sa iyong kaligtasan at sa matuwid mong salita.
124Ipakita mo sa iyong lingkod ang katapatan mo sa tipan, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.

Read Mga Awit 119Mga Awit 119
Compare Mga Awit 119:109-124Mga Awit 119:109-124